Tagalog

To read this text in English, hold your mouse over the section of text you want to read. The words will appear in a small box.

Impormasyon Tungkol sa Coordinated Care Initiative para sa mga Benepisyaryo

Para sa karagdagang impormasyon sa iyong sariling wika at/o iba pang mga naa-access na format tulad ng malalaking print o Braille, tumawag sa Health Care Options sa 1-844-580-7272 (TTY 1-800-430-7077).

Ano ang Coordinated Care Initiative?

Nagsanib ang programang Medi-Cal ng estado at ang federal na programang Medicare upang makalikha ng mga bagong paraan para matanggap mo ang iyong pangangalagang pangkalusugan. Tinatawag na Coordinated Care Initiative ang programa, o CCI para maikli. Ang layunin ay upang mapabuti ang pangangalagang pangkalusugan para sa maraming taga-California na parehong may Medicare at Medi-Cal, at para sa marami na may Medi-Cal lamang. Nilalayon ng CCI na mabigyan ka ng karagdagang suporta, ang iyong mga doktor at iba pang mga tagapag-alaga.

May dalawang bahagi ang CCI:

  • Pagsasamahin ng Cal MediConnect ang iyong mga benepisyo sa Medicare at Medi-Cal sa isang planong pangkalusugan. Ang planong ito ay magbibigay din sa iyo ng karagdagang transportasyon sa mga serbisyong medikal at mga benepisyo sa paningin. Magtutulungan ang mga doktor ng Cal MediConnect at iba pang mga naaprubahang provider upang maibigay sa iyo ang medikal na tulong at mga tagapag-alaga na kailangan mo upang manatili sa iyong tahanan at komunidad, sa halip na madalas na pagbisita sa ospital o paglipat sa isang nursing home.
  • Ang Managed Medi-Cal Long-Term Services and Supports (MLTSS) ang ikalawang bahagi ng CCI at hinihingi sa mga tao na sumali sa isang plano ng Medi-Cal para sa kanilang mga benepisyo sa Medi-Cal. Kasama rito ang mga taong may Medi-Cal lamang at ang mga tao na parehong may Medi-Cal at Medicare na piniling hindi na sumali sa Cal MediConnect. Ang mga benepisyong yaon ay mga pangmatagalang serbisyo at suporta o long-term services and supports (LTSS) at mga serbisyong pinagtutulungan ng Medi-Cal at Medicare upang mabayaran. Ang iyong Medicare ay hindi magbabago kung sasali ka sa isang plano ng Medi-Cal.

Piliin man ng sinuman ang Cal MediConnect (pinagsasama ang Medicare at Medi-Cal) o tanging ang MLTSS (pinananatiling pareho ang Medicare at pumipili ng isang plano ng Medi-Cal), dapat sumali ang lahat sa alinman sa isa sa mga planong ito upang patuloy na makatanggap ng mga benepisyo sa Medi-Cal.

Madalas na Mga Tanong Tungkol sa Coordinated Care Initiative

Makakaapekto ba sa iyo ang CCI?
Makakaapekto ba sa iyo ang CCI?

Makakaapekto lamang ang CCI sa mga taong naninirahan sa pitong county na ito:

Los Angeles
San Diego
Orange
San Mateo
Riverside
Santa Clara
San Bernardino

  • Cal MediConnect: Karamihan sa mga tao sa pitong county ng CCI na may mga kumpletong benepisyo ng Medicare (bahagi A at bahagi B) at Medi-Cal ay maaaring sumali sa isang planong pangkalusugan ng Cal MediConnect.
  • MLTSS: Karamihan sa mga tao na nakatira sa isa sa pitong county ng CCI at nakakuha ng mga pangmatagalang serbisyo at suporta o long-term services and supports (LTSS) ng Medi-Cal ay dapat sumali sa isang plano ng Medi-Cal upang matanggap ang mga benepisyong iyon. Kasama sa mga serbisyong LTSS ang Multipurpose Senior Services Program (MSSP), Community-Based Adult Services (CBAS), In-Home Supportive Services (IHSS), at pangmatagalang nursing care.
  • PACE: Kung ikaw ay edad 55 o mas matanda, nangangailangan ng karagdagang tulong upang manirahan sa iyong tahanan, at naninirahan sa ilang zip code, maaari kang makasali sa isang plano ng PACE para sa iyong mga benepisyo sa Medicare at Medi-Cal.
May mga tao bang hindi maaaring sumali sa Cal MediConnect?
May mga tao bang hindi maaaring sumali sa Cal MediConnect?

Oo, may mga taong hindi maaaring sumali sa Cal MediConnect. Hindi ka makakasali sa Cal MediConnect kung ikaw:

  • Ay mas bata pa sa 21.
  • Ay developmentally disabled o may kapansanan.
  • Ay tumatanggap ng mga serbisyo sa Regional Center o State Developmental Center o sa pamamagitan ng isang DDS waiver o ICF/DD.
  • Ay hindi nakatutugon sa iyong bahagi ng gastos sa Medi-Cal.
  • Ay may End-Stage Renal Disease (ESRD), maliban sa County ng Orange at San Mateo.
  • Ay may kaunting benepisyo sa Medicare o iba pang saklaw na pangkalusugan, tulad ng pagreretiro, mga beterano o pribadong saklaw.
  • Ay naninirahan sa isang tahanan para sa mga beterano.
  • Ay tumatanggap ng mga serbisyo sa pamamagitan ng isa sa mga waiver program na ito: Pasilidad sa Pangangalaga (Nursing Facility)/Ospital para sa Talamak na Karamdaman (Acute Hospital), Pamumuhay na May Tulong (Assisted Living), Mga Operasyong Nasa Tahanan (In Home Operations) o Mga Serbisyong Nakabase sa Tahanan at Komunidad (Home- and Community-Based Services).
  • Ay nakatala sa PACE o sa AIDS Health Care Foundation.
  • Ay naninirahan sa ilang mga rural na zip code sa mga County ng Los Angeles, Riverside at San Bernardino.
Anu-ano ang iyong mga pagpipilian kung mayroon kang Medicare at Medi-Cal?
Anu-ano ang iyong mga pagpipilian kung mayroon kang Medicare at Medi-Cal?

1. Ang una mong pagpipilian ay ang sumali sa Cal MediConnect.

  • Makukuha mo lahat ng iyong dati nang mga benepisyo sa Medicare at Medi-Cal sa isang plano.
  • Magkakaroon ka lamang ng isang card na ipapakita sa iyong mga appointment at isang numerong tatawagan para sa mga katanungan, kapag may mga problema ka, at kapag kailangan mo ng tulong sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
  • Makakukuha ka ng mga karagdagang benepisyo sa paningin at transportasyon na hindi iniaalok ng Medicare at Medi-Cal.
  • Maaari kang makipagtulungan sa isang care coordinator na makatutulong sa iyong pamahalaan ang iyong mga appointment, ang mga reseta sa iyo, at tiyakin na nakukuha mo ang pangangalaga at mga serbisyong kailangan mo.
  • Magtutulungan ang iyong mga doktor sa Cal MediConnect, at iba pang mga naaprubahang provider upang maibigay sa iyo ang pangangalagang kinakailangan mo.
  • Kung ang iyong doktor ay hindi bahagi ng plano, maaaring kailanganin mong pumili ng panibagong doktor.

Hindi magbabago ang iba pang mga provider, tulad ng mga yaong para sa mga serbisyo ng Medi-Cal gaya ng In-Home Supportive Services (IHSS), Multipurpose Senior Services Program (MSSP), Community-Based Adult Services (CBAS), at pangangalaga sa nursing home.

2. Ang iyong ikalawang pagpipilian ay ang panatilihin ang iyong Medicare sa kung ano ito ngayon AT magpatala lamang sa isang plano ng Medi-Cal.

  • Ang pagpipiliang ito ay magbibigay-daan sa iyo upang mapanatili ang iyong binabayaran-sa-serbisyong Medicare o plano ng Medicare Advantage sa kung ano ito ngayon at magpatala sa isang plano ng Medi-Cal para sa iyong mga benepisyo sa Medi-Cal.
  • Kung pananatilihin mo ang iyong Medicare sa kung ano ito ngayon, ikaw ay dapat pumili ng isang plano ng Medi-Cal upang patuloy na makuha ang iyong mga benepisyo sa Medi-Cal. Hinihingi ito ng estado.

3. Ang ikatlong pagpipilian ay ang pagpapatala sa Program of All-inclusive Care for the Elderly (PACE) – sa halip na Cal MediConnect o MLTSS.

  • Ang PACE ay isang opsiyonal na plano ng Medicare at Medi-Cal para sa mga taong kuwalipikado sa parehong programa at maaaring gusto ng mas mataas na antas ng pangangalaga.
  • Upang maging kuwalipikado, ikaw ay dapat na: 55 o mas matanda, nakatira sa iyong tahanan o komunidad, nangangailangan ng mataas na antas ng pag-aalaga at naninirahan sa isang ZIP code na pinagsisilbihan ng plano ng PACE na may mga bakante.
  • Maaari mo lang makita ang mga doktor na bahagi ng network ng PACE.
  • Habang inaalam namin kung maaari kang sumali sa PACE, hindi ka itatala sa isa pang plano. Gayunman, dapat ka pa ring pumili ng isang plano ng Cal MediConnect O isang plano ng Medi-Cal. Kakailanganin naming malaman ang iyong mga pinili sakaling hindi ka maging karapat-dapat sa PACE.
Anu-ano ang iyong mga pagpipilian kung mayroon ka lang Medi-Cal o hindi kuwalipikado sa Cal MediConnect nguni't may Medi-Cal?
Anu-ano ang iyong mga pagpipilian kung mayroon ka lang Medi-Cal o hindi kuwalipikado sa Cal MediConnect nguni’t may Medi-Cal?

Dapat kang pumili ng isang plano ng Medi-Cal upang magbigay ng iyong mga serbisyo ng Medi-Cal tulad ng LTSS at mga serbisyong pinagtutulungang bayaran ng Medi-Cal at Medicare. Kasama sa mga serbisyong LTSS ang Multipurpose Senior Services Program (MSSP), Community-Based Adult Services (CBAS), In-Home Supportive Services (IHSS), at pangmatagalang nursing care.

Paano kung karapat-dapat ka para sa Cal MediConnect pero mong ayaw sumali?
Paano kung karapat-dapat ka para sa Cal MediConnect pero mong ayaw sumali?

Hindi mo kailangang sumali sa isang plano ng Cal MediConnect. Kung ayaw mong sumali, wala kang kailangang gawin hanggang sa dumating ang iyong mga liham. Pagkatapos ay maaari mo nang sabihin sa estado na ayaw mong sumali sa Cal MediConnect. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa koreo ng iyong Choice Form na darating sa koreo o sa pamamagitan ng pagtawag sa Health Care Options sa 1-844-580-7272 o TTY 1-800-430-7077. Pakitandaan, kung pipiliin mo ito, kailangan mo pa ring pumili ng isang plano ng Medi-Cal para sa iyong mga serbisyong Medi-Cal.

Paano kung sasali ka sa Cal MediConnect at magbabago ang iyong isip?
Paano kung sasali ka sa Cal MediConnect at magbabago ang iyong isip?

Kung pinili mong subukan ang lahat ng benepisyo sa Cal MediConnect at pagkatapos ay nagbago ang iyong isip matapos kang magpatala, maaari kang magpalit ng plano o magpatanggal sa talaan ng Cal MediConnect anumang oras. Pakitandaan, kung magpapalit ka ng mga plano o nagpatanggal sa talaan, hindi ito magkakabisa hanggang sa unang araw ng susunod na buwan.

Mapapanatili mo ba ang iyong mga provider?
Mapapanatili mo ba ang iyong mga provider?

Kung nais mong sumali sa Cal MediConnect, dapat mong makita ang mga provider sa network ng plano. Nangangahulugan ito na maaari mong panatilihin ang pakikipagkita sa parehong mga provider na nakikita mo ngayonkung bahagi sila ng plano sa Cal MediConnect. Kung hindi, kakailanganin mong pumili ng mga bagong provider na maaari sa iyong plano – ang mga ito ay mga provider na “nasa-network”.

Pakitandaan, kung ang iyong mga provider ay wala sa network ng Cal MediConnect, maaari mong sabihin lagi sa estado na ayaw mong sumali sa plano Cal MediConnect at pumili lamang ng isang plano ng Medi-Cal para sa iyong mga serbisyong Medi-Cal.

Maaari ka ring humiling ng pagpapatuloy ng pangangalaga upang manatiling nakikita ang iyong mga doktor ilang panahon pagkatapos mong sumali sa isang plano ng Cal MediConnect. (Tingnan sa ibaba.)

Paano kung ang iyong mga provider ay hindi puwede sa iyong plano ng Cal MediConnect, ngunit gusto mo pa ring sumali sa Cal MediConnect?
Paano kung ang iyong mga provider ay hindi puwede sa iyong plano ng Cal MediConnect, ngunit gusto mo pa ring sumali sa Cal MediConnect?

Kung ang iyong mga provider ay hindi puwede sa iyong plano sa Cal MediConnect ngunit gusto mo pa ring samantalahin ang mga benepisyo ng Cal MediConnect, maaari kang humiling ng Continuity of Care o Pagpapatuloy ng Pangangalaga.

Pagpapatuloy ng Pangangalaga ng Doktor: Kung ang iyong kasalukuyang mga doktor o mga espesyalista ay wala sa network ng iyong plano sa Cal MediConnect, maaari mong panatilihin ang pakikipagkita sa kanila hanggang sa 6 na buwan (mga doktor ng Medicare) o 12 buwan (mga doktor ng Medi-Cal) kung:

  • May dati kang ugnayan sa iyong provider;
  • Handa ang iyong doktor na tumanggap ng bayad mula sa plano ng Cal MediConnect; at
  • Hindi inihihiwalay ang iyong doktor mula sa plano dahil sa mga kadahilanan ng kalidad.

Pagpapatuloy ng Pangangalaga sa Nursing Facility: Maaari kang manatili sa iyong kasalukuyang nursing home sa ilalim ng Cal MediConnect. Ang bago mong planong pangkalusugan ay puwede dapat sa iyong nursing home, maliban kung wala ito sa network ng plano dahil sa mga kadahilanan ng kalidad.

Long-Term Supports and Services (LTSS): Ang iyong mga serbisyo mula sa In-Home Supportive Services (IHSS), Community-Based Adult Services (CBAS), at Multipurpose Senior Services Program (MSSP) ay mananatiling pareho sa kung ano ang mga ito sa ngayon kung sasali ka sa Cal MediConnect o kung sasali ka sa isang planong Medi-Cal.

Iba Pang Mga Provider: Ang pagpapatuloy ng pangangalaga ay hindi naaangkop sa mga supplier ng medikal na kagamitan, mga supply o transportasyon. Hindi rin ito naaangkop sa mga provider ng kalusugang pantahanan o pisikal na paggagamot (physical therapy).

Ano'ng iba pang impormasyon ang dapat mong isaalang-alang?
Ano’ng iba pang impormasyon ang dapat mong isaalang-alang?

Ang iyong Guidebook ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga plano na maaari mong salihan. Tawagan ang numero ng telepono ng Mga Serbisyo sa Miyembro ng iyong plano sa Cal MediConnect upang magtanong kung ang iyong kasalukuyang doktor ay nakikipagtulungan sa kanila. Kung nais mong humanap ng panibagong doktor, makatutulong ang plano.

Tawagan ang plano ng Cal MediConnect upang tiyakin na saklaw nito ang mga gamot na kailangan mong inumin. Tiyakin na nasa iyo ang eksaktong pangalan ng mga nakaresetang gamot kapag nakikipag-ugnayan sa mga plano.

Saan mo malalaman ang iba pa o makakakuha ng tulong?
Saan mo malalaman ang iba pa o makakakuha ng tulong?

Ang Health Insurance Counseling and Advocacy Program (HICAP) ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang mga pagbabagong ito at ang mga bagong opsiyon sa sarili mong wika. Tumawag sa 1-800-434-0222 upang makipag-usap sa isang kinatawan ng HICAP, o maghanap ng numero ng telepono para sa iyong lokal na HICAP dito.

Health Care Options – makatutulong din sa iyo na maunawaan ang mga programa ng Cal MediConnect at Medi-Cal, pati na rin ang makatulong sa iyo sa pagpapatala sa programang gusto mo. Makipag-ugnayan sa kanila sa 1-844-580-7272 (TTY 1-800-430-7077).

Para sa mga taong nakatala sa Cal MediConnect, may isang Ombudsman Program ang Cal MediConnect na nagbibigay ng karagdagang tulong sa paglutas ng mga problema na nararanasan mo sa iyong planong pangkalusugan. (Dapat mo munang tawagan ang iyong plano upang makita kung makatutulong sila bago tumawag sa ombudsmen.) Makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-855-501-3077 (TTY 1-855-874-7914).

Ang Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Cal MediConnect

Los Angeles

Paano makatutulong sa akin ang plano ng Cal MediConnect sa Los Angeles County?
Sino ang Tatawagan para sa Tulong o Higit na Impormasyon Sa Los Angeles County

San Diego

Paano makatutulong sa akin ang plano ng Cal MediConnect sa San Diego County?
Sino ang Tatawagan para sa Tulong o Higit na Impormasyon Sa San Diego County

Santa Clara

Paano makatutulong sa akin ang plano ng Cal MediConnect sa Santa Clara County?
I-update ang iyong impormasyon